BIYENAN AT MANUGANG
Unang Yugto
Nasisiyahang pinagmasdan ni Loreta ang chocolate cake sa loob ng oven. Natitiyak niyang ekselente na namang lalabas ito. Katamtaman ang pagkaalsa, pino ang texture at talagang moist as a chocolate cake should be. Hindi dry at nakahihirin. At hindi
Natatandaan niya, sinabi nito. “Gusto kong makita mo siya, Ma.”
Tumawa siya. “Upang makilatisan?”
Inakbayan siya ni Dodong. “Nakilatisan ko na siya, Ma. At pinili.”
Ang himig ng pagkasalita ni Dodong ay may inihatid na kaba sa kanyang dibdib. Sinong babae ito na napili na ng kanyang anak? Na wari, wala nang makahahadlang.
“Kilala mo naman siya, Ma. Madalas ko nang maikuwento sa iyo. Si Linda.”
Si Linda. Bukambibig ni Dodong. Sinong Linda ito na di pa man, ay waring naglalagay na ng guwang sa pagitan nilang mag-ina?
“Maganda ba siya?” tanong niya.
Kumislap ang mga mata ni Dodong. “Nakita mo na siya sa larawan ng grupo namin. Maganda. At di lamang maganda, dahil marunong pa rin. Masarap na kausap. Wide reader. Mahilig sa arts. Tumutugtog ng piyano. At classical guitar.”
Ang kaba ay nagbinhi ng takot. Si Linda. Wari ay isang formidable daughter-in-law to be. Ang takot ay iwinaksi, dinaan niya sa biro. “
“Matakaw!” agaw ni Dodong.
Nagtawanan silang mag-ina. Nang bigla, naalaala niyang itanong. “Magaling ba siyang magluto?”
At ito si Linda. Ang kanyang mamanugangin. Maganda, matalino, ngunit hindi marunong maglutong katipan ni Dodong. Inasikaso niyang mabuti ito sa pagkain.
Weakness ito ni Dodong, aniya.
Nginitian nito si Dodong. At kinindatan ito ni Dodong. Sa pakiramdam ni Loreta, nag-iisa siya sa harapang iyon. Ngunit ang naligaw na kirot ay iwinaksi niya. At muli, inabutan niya ng ulam si Linda. “Ito’y sinigang na ulang sa kamyas. Resipe ito ng biyenan ko.”
Nang waring nag-atubili si Linda ay kaagad niyang sinabi. “Hindi ka ba kumakain ng lutong probinsiya?”
Na hindi nito sinagot. Sa halip, kumuha na lang ito ng inialok niya.
Nang umalis sina Linda at Dodong ay inihatid niya ang dalawa hanggang sa pagsakay sa kotse. At inunahan na niyang niyakap si Linda, hinagkan sa pisngi, at kanyang sinabi. “Natutuwa akong ikaw at si Dodong, Linda…”
Niyakap rin siya at hinagkan ni Linda. Ngunit wala itong sinabi. Maliban sa pasasalamat sa isang masarap na hapunan.
Matalino si Linda. At babae. At sapagkat kapuwa sila babae ay kapuwa nila talos ang tunay nilang nadarama para sa isa’t isa.
At para naman sa kanya, ina sa kaisa-isang supling na lalaki na sula ng kanyang mga paningin, ano? No woman is good enough for her son. Kahit na kasing-ganda at kasing-talino ni Linda. Ngunit sa kabila nang lahat, alang-alang kay Dodong, siya ay nakahandang magmahal at tumanggap sa isang babaing magiging kahati niya sa pagmamahal at atensiyon ni Dodong.
Kanyang napagpasiyahan. Siya, si Loreta, ay magiging isang mabuting biyenan. Isang ulirang biyenan. Isang huwarang biyenan. Hindi siya magiging katulad ng kanyang sariling biyenan. Gunita na lamang nito ay may ginigising pang hinanakit at sakit ng loob sa kanyang kaibuturan.
Noon. Bagong katatapos nila ng pag-aaral ng ama ni Dodong nang sila ay magtanan. Ang kanyang biyenan. Sa mahinay na pagsasalita. Bahagya pang nakangiti. “Saan ninyo balak tumira?”
Wala pang hanap-buhay si Ben. Kasalukuyan pang naghahanap. “Gusto
Tumaas ang kilay ng kanyang biyenan. “Sa probinsiya? Paano ang paghahanap mo ng trabaho?” Naroon pa rin ang malumanay na pagsasalita.
Tumingin si Ben sa kanya. “Uuwi sa hapon. Malapit lang ang kanila.”
Umiling ang kanyang biyenan. “Mapapagod ka. Baka ka pa magkasakit. Dumito kayo at walang problema.
Kiming nakisagot siya. “Kasi ho, may offer na trabaho sa akin sa probinsiya. Isang teaching job. Sayang naman kung palalampasin namin.”
Ngumiti ang kanyang biyenan. Inakbayan siya. “Iha, dumito muna kayo. Hayaan mo na ang offer na trabaho sa iyo. Si Ben ang kailangang magtrabaho. Siya ang lalaki. Siya ang padre de pamilya. At saka masamang hitsura na ikaw pa ang susuporta sa aking anak, lalo’t hindi kaagad siya makakuha ng mapapasukan. Gusto mo ba iyong parang bumababa ang kanyang pagkatao?’
Kinagat niya ang kanyang labi. Umiling siya. Hindi. Ayaw niyang mangyari iyon kay Ben. Mahal na mahal niya si Ben. At tumango siya. Oo. Pumapayag na siya.
Sa piling ng kanyang mga biyenan.
At hipag at bayaw.
(Ano kaya ang karanasang naghihintay kay Loreta sa piling ng kanyang biyenan? Upang mapagpasiyahan niyang maging uliran, huwarang biyenan pagdating ng panahong siya naman ang malalagay sa katayuang ito? Nangyari ba ito sa ilan sa atin? Mabait ba ang naging biyenan ninyo? Come on share… at abangan ang katapusang yugto ng kwentong ito!
WALA KAMING NAKASAMA SA BAHAY NA BIYENAN,KAYAT HINDI NAGING PROBLEMA SA AMING SAMAHAN.SA KARAMIHAN NG MAGASAWA,NA MAY KAPISANG BIYENAN, ANG NADIDINIG KO AY NAGKAKAROON NG HIDWAAN AT HINDI COMPORTABLE ANG ISATISA. PETE PLAMENCO
ReplyDeleteang sa kin kailangan ba tlgang iasa ng biyenan ko ang lahat ng gastuhin nila gayun lam naman nilang me pamilya na ang anak nila at me dalawang anak na nag aaral?di talaga maiiwasn magkaroon ng sama ng loob sa mga biyenan! me joke pa nga frend ko ang tawag daw sa AMA -Haligi ng tahanan
ReplyDeleteINA - ilaw ng tahanan ANO RAW ang tawag sa BIYENAN? then im asking what? ang BIYENAN- Anay ng Tahanan nakakatawa pero kung minsan totoo eh!Ano sa palagay nyo
opo mahirap pag kasama neo sa iisang bahay ang inlaws mu...hai buhay
ReplyDelete