Monday, July 7, 2008

ISKOLAR – Unang Yugto



ISKOLAR – Unang Yugto

SABI ni Gerry. Graduation blow-out ko para sa iyo. Ikaw ang pumili kung saan mo gustong pumunta. Dinner sa Makati. Gusto mo ba ng steak? Teppanyaki sa Kimpura? O seafood kaya. Masarap ang blue marlin..

Umiling siya. Huwag na lang…

Mapilit si Gerry. Graduation gift ko sa iyo…

Ngumiti siya. Salamat na lang.

At nagseryoso ito. For old time’s sake, Ellen. At huwag kang mag-alala. No strings. Walang pisi.

Ang kanyang sagot. Titingnan ko. Titingnan ko…

ANG nakaraan nila ni Gerry. Paano ba sila nagkakilala?

Working student siya. Isang clerk-typist na may kakarampot na suweldo sa isang film exchange office sa Carriedo. Nangangasera sa isang maliit na apartment sa Bustillos. Pagpitada ng ikalima ng hapon, nakikipag-unahan na siya sa elevator. Sugod sa kahabaan ng Carriedo, baba sa ilalim ng underpass, lakad ng Quezon Boulevard, liko ng Recto, para umabot ng five-thirty niyang klase. Isa siyang masipag na mag-aaral, dahil gusto niyang maging titulada. Accounting major, gusto niyang maging CPA. Pangarap niyang makapasa sa board, makatagpo ng magandang mapagtatrabahuhan sa Makati. Makapag-abroad. Isang pangarap na gumuho nang makatanggap siya ng liham mula sa kanyang ina sa probinsiya.

May sakit ang Tatay mo. Hindi na siya makapaghahanap-buhay. Hindi ka na namin mapadadalhan ng kahit kaunting tulong sa iyong pag-aaral. Kami pa nga ang nangangailangan ng iyong tulong. Kung nais mo, umuwi ka na lang dito sa atin. Magtinda-tinda tayo. Makararaos rin sa awa ng Diyos…

Makararaos rin sa awa ng Diyos! Napaiyak siya sa bahaging ito ng liham. Ayaw niyang makaraos lamang sa awa ng Diyos. Kaya siya nagpapakahirap mag-aral ay dahil gusto niyang umasenso sa buhay. Kaya subsob siya sa pagtatrabaho kahit maliit ang suweldo ay upang masustentuhan niya ang mga sariling gastos. Sa harap ng pangangailangan ng kanyang mga magulang, paano pa niya matutustusan ang kanyang pag-aaral? Ang upa sa kasera? Pambili ng gamit sa iskwela? Damit? Sapatos?

“O, bakit ka umiiyak, Ellen?”

Dali-dali niyang pinahid ang kanyang luha, saka tiningala ang nagtanong na nakatayo sa harap ng kanyang munting mesa sa may pagpasok ng pinto ng kanilang opisina.

Si Mr. Celestino, isang mabuting kliyente ng kanilang opisina. May-ari ng kung ilang sinehan sa probinsiya. Mabait makipag-usap. Magaling makisama. Ang liham ng kanyang ina ay iniabot niya rito. Tinanguan ang nagtatanong na mga mata. At binasa ni Mr. Celestino ang iniyakan niyang liham

Sa buong maghapon, laman ng kanyang isipan ang liham ng kanyang ina at ang kinakaharap niyang problema, ngunit si Mr. Celestino ay nawaglit na sa kanyang isip. Hanggang sa paglabas niya sa iskwela kinagabihan, may bumati sa kanya. “Ellen…”

Si Mr. Celestino. Inakay siya nito, palayo sa karamihan ng mga naglalabasan sa iskwela. Palagay ang loob na sumunod siya. Si Mr. Celestino, para niyang ama. O nakatatandang kapatid. Mga kuwarenta. Labing-walo siya. “Nag-aalala ako sa problema mo, Ellen. At mayroon akong naisip na solusyon. Ang gusto ko lang malaman ay kung disidido ka talaga sa iyong pag-aaral.”

Tumigil siya sa paglalakad, hinarap si Mr. Celestino. “Gusto ko hong makaahon sa kahirapan. At ang alam ko lang na paraan ay ang makatapos sa pag-aaral.

Sa harap ng isang simpling hapunan, sa isa sa mga naghanay na restoran-kantina sa kahabaan ng Recto, sinabi ni Mr. Celestino ang naisip nitong paraan.

“Pay when able, iyan ang ating kondisyon, Ellen. Think of it as a loan. Paluluwalan kong lahat ang mga gastos mo sa eskwela. Tuition, libro, supplies. Pati bayad sa kasera. Para makapagpadala ka ng pera sa iyong mga magulang.

Pinaglaruan ng kanyang mga daliri ang plastik na straw ng iniinom niyang Coke. Hindi niya alam ang kanyang isasagot. Kay tagal na hindi siya nakahuma.

“Iisipin ko ho,” ang mga salita niyang pinaghiwalayan nila.

At nang gabing iyon ay hindi siya natulog. Tinimbang-timbang niya ang sama at buti ng gagawin niyang hakbang. Ang maaaring mangyari sa hinaharap. Ang kauuwian ng kanilang relasyon.

Nasa ikatlong taon na siya ng pag-aaral sa kolehiyo, unang semestre. Dalawa, tatlong taon na lamang, dahil hindi siya full load, makatatapos na siya. Na kung hindi niya tatanggapin ang alok na tulong ni Mr. Celestino ay hindi mangyayari, sa abot ng kanyang pagmumuni-muni.

Laki siya sa probinsiya. Ngunit matalino siya at palabasa, palamasid. Hindi siya ignorante sa mga nangyayari sa paligid. Sa kalakaran sa lungsod. Sa mga estudyanteng pinapag-aaral ng mga taong hindi nila kaanu-ano. Alam rin niya ang kapalit nito. Pati kung ano ang tawag sa mga ito. Iskolar.

Matapos ang buong susing pag-iisip, napagpasiyahan niya, ang alok na tulong ni Mr. Celestino ay kanyang tatanggapin. Iskolar na rin siya. But with a difference. Nananangan siya sa sinabi ni Mr. Celestino. Sa kondisyong ang lahat ay pautang. Na babayaran kalaunan.

Sa katapusan ng unang semestre ng ikatlo niyang taon, ipina-xerox niya ang kanyang mga grades. Matataas ang mga ito, lalo ang Accounting at Commercial Law. At sa pagdalaw ni Mr. Celestino sa opisina, inihabol niya ang sobre sa elevator nang ito ay pauwi na.

Naglalakad siya sa may Recto nang biglang may umagapay sa kanya. Nagulat siya. Si Mr. Celestino. “Maganda ang grades mo, Ellen…”

Napangiti siya. “Kailangan ho…”

Blow-out kita…”

“Naku, huwag na ho,” tutol niya.

Para makwentuhan mo rin ako sa pag-aaral mo,” agaw nito.

Paano siya makatatanggi?

(Ano ang kahihinatnan ng wari ay nagbabagong relasyon ni Mr. Celestino at Ellen? Sa tunay na buhay, nangyayari ba ito? Naalaala ko lamang kung bakit ko ito naisulat o bakit ko naisipang gumawa ng ganitong kwento. Narinig ko lamang ang usapan ng ilang kaibigang lalaki, nagkakatuwaan, nagtutuksuhan, kumusta na ba ang iskolar mo?

Inusisa ng isang kaibigang babai kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Wala ‘yan, di totoo ‘yan... sagot ng tinutukso, kasabay ang tawa.

Maganda yatang kwento iyon, naisaloob ko. At “lumipad na ang aking diwa”.

Ngunit ipinagpapauna ko na, anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Wika nga ay “bungang-isip” lamang.

Abangan ang katapusan ! )

3 comments:

  1. hello po... ang galing! paano ninyo po naisip ang pangalan ng inyong mga karakter? my name is Ellen Celestino.

    ReplyDelete
  2. Naghahanap ka ba ng isang pautang? O kaya naman ay tumanggi sa iyo ng isang pautang sa pamamagitan ng isang bangko o isang institusyong pinansyal para sa isa o higit pang dahilan? Kayo ay may tamang lugar para sa iyong mga solusyon sa utang dito mismo! John Frank Pautang Investment bigyan out mga pautang sa mga kumpanya at mga indibidwal sa isang mababa at abot-kayang rate ng interes ng 2%. Mangyaring makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng e-mail sa ngayon johnfrankloaninvestment@gmail.com

    Aplikante data:

    1) Buong Pangalan:
    2) Bansa:
    3) Address:
    4) Estado:
    5) Kasarian:
    6) marital status:
    7) Trabaho:
    8) Ang numero ng telepono:
    9) Sa kasalukuyan posisyon sa lugar ng trabaho:
    10) Buwanang suweldo:
    11) Halaga ng Pautang para sa Kailangan ng:
    12) Pautang para Duration:
    13) Hangarin ng pautang:
    14) relihiyon:
    15) Naglapat ka ba ng bago;
    16) petsa ng kapanganakan;
    salamat
    Mr John Frank

    ReplyDelete
  3. Kumusta, i ako ay pinangalanang MORAIDA Luna. Gusto kong gamitin ang medium na ito upang alertuhan ang lahat ng mga naghahanap ng utang upang maging napaka-ingat dahil may mga scam sa lahat ng dako. Ilang buwan na ang nakakaraan ako ay pinansiyal pilit, at dahil sa pagkawalang-taros, ako nai-scammed sa pamamagitan ng ilang online na nagpapahiram. Halos ako nawala pag-asa hanggang sa isang kaibigan ng minahan-refer ako sa isang maaasahan tagapagpahiram na tinatawag na Mrs Amanda na ninyo bang ipahiram sa akin ang isang hindi secure na pautang ng $ 53,000 sa mas mababa sa 24 na oras nang walang anumang presyon o magbigay-diin sa isang interes rate ng% 2 lamang. Ako ay kaya magulat kapag naka-check i balanse ang aking bank account at nalaman na ang halaga inilapat i para sa ay tuwid na ipinadala sa aking account nang walang anumang pagkaantala. Samakatuwid ipinangako ko sa kanya i ay pagpunta upang ibahagi ang mabuting balita sa gayon mga tao ay maaaring makakuha ng mga pautang madali nang walang anumang stress. Kaya kung ikaw ay nangangailangan ng anumang utang ng anumang uri, makipag-ugnay sa kanya sa pamamagitan ng kanyang email: amandarichardssonloanfirm@gmail.com or amandaloan@qualityservice.com.
    Maaari ka ring makipag-ugnay sa akin sa aking email moraidaluna@gmail.com.
    Ngayon, lahat ng gawin i ay subukan upang matugunan up sa aking pautang pagbabayad na i magpadala nang direkta sa kanyang account buwanang.

    ReplyDelete